Home NATIONWIDE Kapayapaan muling inihirit ni Pope Francis

Kapayapaan muling inihirit ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pope Francis para sa isang diplomatikong solusyon sa digmaan sa Ukraine na hahantong sa isang mkatarungan at pangmatagalang kapayapaan dahil ang ikalawang anibersaryo ng pagsalakay ng Russia ay minarkahan nang mas maaga.

“So many victims, wounded, destruction, anguish, and tears in a period that is becoming terribly long and whose end is not in sight. It is a war that not only devastates that region but also unleashes global waves of hate and fear,” sinabi ni Pope Francis sa kanyang weekly Angelus message.

“I plead for that little bit of humanity to be found to create the conditions for a diplomatic solution in search of a just and lasting peace,” ayon pa sa papa.

Sinabi ni Francis na nag-aalala ito sa tumataas na karahasan sa east region ng Democratic Republic of Congo (DRC).

“I join the bishops in their call to pray for peace, hoping for an end to the clashes and a search for genuine and constructive dialogue,” ayon pa sa santo papa.

Inulit ni Francis ang kanyang mga panalangin para sa Israel, para sa mga Palestinian at para sa “maraming mga mamayang nasalanta ng digmaan.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePresyo ng produktong petrolyo tatapyasan sa Martes
Next article15 Katoliko sa Burkina church pinaslang!