MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkabahala sa “desperadong” sitwasyon sa Gaza si Pope Francis na nanawagan sa lahat ng posibleng gawin upang maiwasan ang mas malawak na sakuna.
Hinimok ni Francis ang lahat ng partido na ibaba ang kanilang armas.
“The number of victims is growing and the situation in Gaza is desperate … everything possible (should) be done to avoid a humanitarian catastrophe,” sabi ng Papa.
Sinabi ng Papa na ang digmaan ay hindi malulutas ng anumang paghahasik ng kamatayan at pagkawasak, nagpapaigting ng poot at paghihiganti.
Ang digmaan aniya ay nagbubura sa hinaharap at hinimok ang mga tao na pumanig sa kapayapaan.
Ginawa ni Francis ang pahayag matapos ang madugong strike noong Martes sa Gaza hospital na pumatay sa daan-daang tao.
Mahigit 500 tao ang napatay sa Israeli airstrike sa Al-Ahli Baptist Hospital noong Martes ayon sa opisyal ng Palestinian officials ngunit itinanggi ito ng Israel.
Nanawagan naman si UN Secretary-General Antonio Guterres para sa isang “agarang humanitarian ceasefire” upang mapagaan ang “epikong pagdurusa ng tao.”
Hindi bababa sa 3,300 Palestinian ang napatay sa mga pag-atake ng Israel sa Gaza, habang ang bilang ay nasa mahigit 1,400 katao sa Israel. Jocelyn Tabangcura-Domenden