Home NATIONWIDE Kapayapaan sa Mindanao inihirit ni PBBM sa gov’t agencies – PAOCC

Kapayapaan sa Mindanao inihirit ni PBBM sa gov’t agencies – PAOCC

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na makipag-ugnayan sa isa’t isa sa layuning gawing mapayapa ang Mindanao, ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz nitong Biyernes.

Inihayag ito ni Cruz nang tanungin ukol sa reaksyon nina Marcos at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pagkakaaresto kay Myrna Mabanza, umano’y financier ng Al-Qaeda at supporter ng Islamic State, sa Indanan, Sulu. 

“Sinabi niya na na— let’s join hand in hand para, to make Mindanao peaceful. And this is one move that showcases how really the importance of cooperation among agencies,” wika ni Cruz sa isang press briefing. 

Ayon pa kay Cruz, masaya umano si Bersamin sa pagkakaaresto.

“It shows here ‘yung full cooperation, ‘yung collaboration and cooperation of all the agencies na nandito no. Sabi niya that really defines success sa mga future endeavors ng government na ito,” anang opisyal.

“So sabi niya, gawin natin ito as a template for all the operations na gagawin natin na— which are high impact. Yung mararamdan ng tao at ‘yung makakagaan para sa gobyernong ito. So yun ang sinabi ni ES sa akin,” dagdag niya.

Base sa mga awtoridad, sangkot umano si Mabanza sa pahlilipat ng $107,000 kay dating ISIS-Philippines leader Isnilon Hapilon noong 2016.

Nauna nang sinabi ng government officials na ginamit ang pondo sa Marawi Siege.

Nahaharap si Mabanza at dalawa pa sa five counts ng paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at sa Anti-Terrorism Act of 2020 sa Regional Trial Court ng Zamboanga City. RNT/SA

Previous articleDOJ: ‘Financier’ ng Abu Sayyaf kinasuhan na
Next articleTikTok ipinagbawal ng AFP sa mga sundalo – spox