Home METRO Kapistahan ng Itim na Nazareno ipinagdiwang din sa Northern Samar, Tacloban City

Kapistahan ng Itim na Nazareno ipinagdiwang din sa Northern Samar, Tacloban City

Tacloban City- Nakiisa ang mga deboto ng Itim na Nazareno mula sa Eastern Visayas region sa pagdiriwang ng bansa sa Traslacion nitong Martes sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang lokal na bersyon.

Daan-daang deboto mula sa Northern Samar ang nakiisa sa prusisyon noong umaga sa Catarman, kapital ng Northern Samar, habang ang mga deboto sa Tacloban, regional capital ng Eastern Visayas, ay nagsagawa ng motorcade ng imahe ng Itim na Nazareno sa pangunahing mga kalsada sa lungsod.

Nakalagak ang replica ng Itim na Nazareno ng Quiapo sa Diocesan Shrine of Padre Jesus Nazareno sa Catarman, Northern Samar, mula noong 2014.

Sa Tacloban, matatagpuan ang replica sa Saint Rock the Healer Parish sa Manlurip, San Jose. Dumating ito sa Tacloban noong 2021, limang taon matapos bumisita ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno sa siyudad noong 2016 bilang bahagi ng paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan).

Mula 2015, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Traslacion, kung saan ipinuprusisyon ang imahe saCatarman.

Sa mensahe ni Palo Archdiocese Archbishop John Du na binasa sa misa sa Saint Rock the Healer Parish, pinaalalahanan ni Leyte Roman Catholic Chancellor Fr. Gwen Padagdag ang mga mananampalatayan na laging tandaan ang “unconditional and unending” na pag-ibig ng Diyos kapag tinitingnan nila ang mukha ng Itim na Nazareno.

“We have a God who took upon himself the suffering that was supposed to be for us,” Archbishop Du said. “Because he knows that it was unbearable for us, he became man and carried the heavy weight of the cross. He knows what we undergo and He knows every worry and difficulty we have.”

Patuloy niya: “And the reason why we do not hesitate to run to Him in our difficulties, it is because we know that we have a God who understand our suffering, for He Himself suffered.” RNT/SA

Previous articleHigit 700 deboto inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion
Next article‘Destab plot’ vlog binubusisi ng AFP