Home OPINION KAPIT-BISIG VS NPA RECRUITMENT

KAPIT-BISIG VS NPA RECRUITMENT

IPINAPANAWAGAN natin sa lahat ng mga magulang na na-recruit ang mga anak na sumali sa komunistang-teroristang samahan, at maging mga magulang ng mga estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad na magkapit-bisig para labanan ang mapanglinlang na pamamaraang ito ng CPP-NPA-NDF.

Ito lamang ang ating paraan upang mailigtas natin ang ating mga anak na kung minsan ay sapilitang pang dinudukot ng mga pesteng ito.

Sinusubukan kasing muling palakasin ang CPP-NPA-NDF ng front organizations nito gaya ng Makabayan Bloc sa Congress, kasama ang iba pang militanteng samahan gaya ng Karapatan at iba pa.

At para naman sa mga ninakawan na ng kanilang mga anak, magsama-sama tayong tuligsain ang recruitment na ito ng CPP-NPA-NDF. Ang kanilang panggogoyo gamit ang sistemang “alert-surface-donation-release” para makapagkamal ng pondo mula sa mga donasyon ay kailangan nating labanan.

Gaya ng mga komunistang-terorista, kailangan nating magsama-sama para maipatigil natin ang kanilang panloloko sa ating mga anak at kabataan.

Palakasin natin ang pagsisiwalat ng mga baluktot na ideolohiya at iba pang mga itinuturo nitong mga CPP-NPA-NDF sa ating mga anak.

Ito rin ang isa sa mga misyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na pinamumunuan bilang co-vice chairpersons nina Vice President Sara Duterte at National Security Council Secretary Eduardo Año kasama si Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng National Secretariat.

Gumagawa ang mga ito ng paraan upang protektahan ang ating mga anak na maging ‘child combatants’ lamang ng mga komunistang-terorista.

Sinisikap ng CPP-NPA-NDF na makalinlang at maka-recruit ng kabataan mula edad 15 upang dalhin sa depressed communities para humanap din ng mga recruit bilang preparasyon sa mga naghihingalo ng bilang ng  NPA dahil sa pinalakas na military operations.

Nais n’yo bang hayaan na lamang ang inyong mga anak na maloko ng mga demonyong ito? Pahahawakin ng baril upang lumaban sa mga sundalo, mapapaslang o mahuhili ng militar, pagkatapos ay paglalaruan ng mga komunistang-terorista at sasabihing dinukot?

Kung kayo man ay nadukutan ng anak na pinasampa sa mga kabundukan bilang NPA fighters, huwag na huwag kayong lalapit sa mga organisasyong kaalyado nito o nagpapanggap na mga militante  gaya ng Karapatan, Gabriela at Anakbayan.

Dahil pati kayo ay bibilugin ang mga ulo o kokondisyunin ang isipan na ang pamahalaan ang mali at may pagkukulang.

Maniwala kayo’t sa hindi. Galing ako sa samahang iyan noong aking kabataan at muntik nang mabilang sa combatants ng NPA, na namulat ang matanda napaka-laking kamalian.

Gaya niyo, mahalaga sa akin ang aking mga anak. At ‘di ako papayag na maging NPA fighters lamang ang mga ito.

 

 

Previous articleNATIONAL BROADBAND CONNECTIVITY TARGET NA MAKUMPLETO SA TAONG 2026
Next articleGENTO GUMAWA NG KASAYSAYAN