Home OPINION KAPITAN ROMEN, KAGAWAD NOEL KARAPAT-DAPAT NA NAHALAL

KAPITAN ROMEN, KAGAWAD NOEL KARAPAT-DAPAT NA NAHALAL

MATAGUMPAY na naisakatuparan ng KR Builders ni Kaytambog Barangay Chairman Kristopher Romen katuwang ang Trece Martires City Cavite Matikas 7 Eagles Club, The Fraternal Order of Eagles,  Philippine Eagles – Southern Tagalog Region ang makabuluhang proyektong general check-Up, eye check-up at operation tuli kamakailan.

Namigay rin ang nasabing nagsanib na grupo  ng libreng reading glasses habang nasa 50 batang lalake naman ang nabigyan ng libreng tuli operation.

Batang-batang kapitan si Romen na nasa edad 38 kaya naman masigasig at aktibo siya sa pagtulong at paglilingkod sa kanyang nasasakupan maging kahit hindi niya ka-barangay dahil opisyal at miyembro siya ng iba’t-ibang non-governmental organizations.

Dahil na rin sa pagiging aktibo sa mga serbisyo publiko, hindi nahirapan si Kapitan Romen na masungkit ang pwestong hinangad noong nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Dalawang kamay siyang tinanggap ng kanyang mga kabarangay kung kaya naman ang mga sumuporta sa kanya ay nagdiwang at buong pwersang nagsabi na tutulong sila sa pagsasaayos ng kanilang pamayanan o barangay.

Keep up the good work Kapitan Kristopher Romen ng Barangay Kaytambog, Mabuhay ka!

Samantala, hindi naman nagkamali ang mga mamamayan ng Barangay Calumpang Cerca sa Indang, Cavite sa kanilang paghalal kay  John Bonne “Jobo” Noel bilang Kagawad noong nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Election  2023 dahil sa kapansin-pansin ang kaisipagan nito sa pagtulong sa kanyang nasasakupan.

May ilang beses niyang sinasamahan ng personal ang kanyang mga kanayon na nangangailangan ng tulong para mailapit sa mga tanggapan at ahensya ng pamahalaan para maka-avail ng medical at financial assistance.

Si Kagawad Noel na nakikilalang aktibo sa paglilingkod sa kapwa ay nasa edad 36 ay nahalal sa ika-anim na upuan o pwesto.

Keep up the good work Kagawad John Bonne “Jobo” Noel ng Barangay Calumpang Cerca, Mabuhay ka!

 

Previous articleLotto Draw Result as of | November 24, 2023
Next articleVALENZUELA UNVEILS NEW TECHNOLOGICAL COLLEGE, MEDICAL CENTER