TACLOBAN CITY- Niratrat ang barangay chairman na tumatakbo para sa reelection sa barangay elections sa sunod na buwan at kanyang live-in partner nitong Miyerkules, sa kanilang tahanan sa Barangay Campeig, Santa Margarita, Samar.
Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Vivian Morales Verano, 46, at kanyang live-in partner na si Roel Casaljay, 43.
Base sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang mga biktima nang anim na armadong kalalkihan ang tumambad sa kanilang tahanan at pagbabarilin sila. Agad na binawian ng buhay ang mga biktima habang tumakas naman ang mga suspek sa hindi natukoy na direksyon.
Nagsasagawa na ang mga pulis ng follow-up investigation.
Ang Campeig ay isang barangay na maaabot lamang sa pamamagitan ng paglalakad ng tatlong oras mula sa highway. RNT/SA