Home METRO Kapitbahay pinagkamalang mangkukulam tinaga sa ulo!

Kapitbahay pinagkamalang mangkukulam tinaga sa ulo!

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na tinaga ng palakol ang kanyang senior citizen na kapitbahay, sa pag-aakalang isa itong mangkukulam sa San Miguel, Maynila noong Martes ng umaga, Pebrero 27.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Jabbar Mocaebat, 28, residente ng Barangay 648, San Miguel, Maynila.

Agad siyang inaresto matapos magreklamo ng anak ng biktima.

Sinabi ng mga awtoridad na ang 65-anyos na biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Carlos Palanca Street sa Barangay 648, San Miguel patungo sa bahay ng kanyang anak dakong alas-8:10 ng umaga nang siya ay atakihin ng suspek.

Sinabi nila na ang suspek ay nakita sa closed-circuit television (CCTV) footage na sinusundan ang biktima. Bigla siyang tinaga ng palakol sa ulo.

Bagamat sugatan, nakatakbo ang biktima at nakarating sa bahay ng kanyang anak.

Agad namang isinugod ng anak ng biktima ang kanyang ina sa Jose Reyes Memorial Medical Center nang makitang umaagos ang dugo sa kanyang ulo.

Sa imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na sinalakay ng suspek ang biktima dahil sa paniniwalang mangkukulam ito.

Sinabi ng pulisya na nasa mabuting kalagayan na ngayon ang biktima matapos na sumailalim sa paggamot. Siya ay nakalabas sa ospital sa parehong araw.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Barbosa Police Station (PS-14) at mahaharap sa kasong frustrated murder. RNT

Previous article3 durugista timbog sa P1.9-M shabu
Next articleSurot umatake sa NAIA!