Home NATIONWIDE Karagdagang disability pension para sa mga beterano, lusot na sa Senado

Karagdagang disability pension para sa mga beterano, lusot na sa Senado

491
0
Elderly and somehow weary World War II Pangasinan veterans attend the commemoration of the 73rd Lingayen Gulf Landings of the Allied Forces and 11th Pangasinan Veterans’ Day at Pangasinan Veterans Memorial Park in Lingayen on Tuesday. Under the command of Gen. Douglas MacArthur the Allied Forces landed along Lingayen Beach on January 9, 1945 to start the liberation of the Philippines from the Japanese occupation. //january09,2018//Lingayen,Pangasinan//KARL ROMANO

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senate nitong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang dagdag-pensyon sa military veterans na naging disabled dahil sa kasakitan, sugat o injuries na natamo sa paglilingkod sa bayan.

Sa ilalim ng panukala, itataas ang disability rate mula sa kasalukuyang P1,000 sa P4,500.

Makatatanggap ang mga beterano na na nakakukuha ng monthly disability pension na P1,200; P1,300; P1,400; P1,500; at P1,600 ng P6,100; P6,900; P7,700; P8,500, at P9,300, respectively.

Samantala, ang mga nakatatanggap ng P1,700, ang pinakamataas na disability rate, ay bibigyan ng P10,000.

Itataas din ng panukala ang monthly pension para sa asawa at kada hindi pa kasal na menor-de-edad na anak ng beterano mula P500 sa P1,000.

Nakakuha nag Senate Bill 1480 o ang proposed Rationalizing the Disability Pension of Veterans Act ng 21 affirmative votes, zero negative votes, at no abstention.

“I truly feel that this measure is long overdue. Our veterans who sustained disabilities and injury in the line of duty have long waited for this legislation to update their monthly disability pension rates which have remained unchanged for 29 years,” pahayag ni Senator Jinggoy Estrada, principal author at sponsor ng panukala.

“This legislation is one way of honoring our military and war veterans who served and defended the country in their prime and ensuring that in their twilight years, they and their families are accorded adequate benefits and assistance,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleSummer Blast ’23, dinumog ng 120K na tao; Gloc 9, aminadong nagulat!
Next article‘Mail-in’ voting para sa mga senior tuwing state of calamity, itinutulak sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here