Home HOME BANNER STORY Karagdagang importasyon ng asukal, inaprubahan na ni PBBM

Karagdagang importasyon ng asukal, inaprubahan na ni PBBM

562
0

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang karagdagang importasyon ng asukal kasunod ng naging rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na i-stabilize ang presyo at palakasin ang stock ng bansa sa asukal.

“We agreed to additional importation of sugar to stabilize the prices. Maximum amount will be 150,000 MT but probably less,” ang  naging pahayag ni Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang SRA sa pangunguna ni SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona at Board Member Ma. Mitzi Mangwang,  kinatawan ng millers.

Dumalo naman sa nasabing pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at SRA Board Secretary Rodney Rubrica.

“The exact amount will be determined once we have determined the exact amount of supply, which will come at the end of this month,” ayon kay Pangulong Marcos.

Winika pa ng Pangulo na binubuksan ng pamahalaan ang importasyon ng asukal sa lahat ng mangangalakal.

Ayon sa SRA forecast inventory,  ang bansa ay magkakaroon ng “negative ending stock” na 552,835 metric tons sa pagtatapos ng Agosto 2023, pagtatapos ng milling season, at importasyon ng panibagong 100,000 MT hanggang 150,000 MT ng asukal ay mahalaga para maiwasan na magkulang ang suplay nito.

Advertisement

Sinabi ng  SRA  na hanggang noong Mayo 7, 2023, ang bansa ay may sapat na suplay ng raw sugar na nagsimula sa stock na 160,000 MT.

Sinabi ni Azcona  kay Pangulong Marcos na sa pagpapalabas ng  SO No. 6,  ang mga sugar farmers ay masaya dahil makikinabang ang mga ito mula sa stable farmgate price ng raw sugar, na may average na P62/kg para sa kasalukuyang taon.

Mas mataas ito kumpara sa P38/kg average farmgate price sa CY 2021-2022.

Para mapahusay pa ang pagiging produktibo, sinabi ng Pangulo na inaprubahan din niya ang pagsisimula ng milling season mula Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

“That’s important for the corresponding increase in production by approximately 10 percent,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran ni Azcona na ang pagbubukas ng  milling season sa September ay magpapabuti sa raw sugar recovery dahil mapaliliit nito ang milling ng tubo.

Inatasan din nito ang SRA na bilisan ang block farming initiatives para itaas ang produksyon. Kris Jose

Previous articleRemate Express kampeon sa CBA
Next articleMandatory face mask sa loob ng Manila City Hall, ipatutupad

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here