Home NATIONWIDE Karagdagang PH bases sa ilalim ng EDCA target ng US – admiral

Karagdagang PH bases sa ilalim ng EDCA target ng US – admiral

MANILA, Philippines- Posibleng isulong ng United States ang access sa karagdagang military base, ayon sa pinuno ng US Indo-Pacific command nitong Huwebes.

Dinagdagan ng Pilipinas nitong taon ang bilang ng base na accessible sa US military mula lima sa siyam, na kinondena ng China, na nakikita ang kasunduan na magdudulot ng tensyon sa rehiyon.

Inihayag ni Admiral John Aquilino na tinalakay nila ng military chief ng Pilipinas, si General Romeo Brawner Jr., ang pagpapalawig ng bilang ng mga base na maaaring na bubuksan din para sa US forces sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“General Brawner and I made recommendations to our senior leaders for the consideration of additional sites, but there’s still work to do there,” pahayag ni Aquilino.

Ikinabahala ng China na ang pinaigting na US defense ties sa Pilipinas na maaaring magpalakas sa military presence nito sa rehiyon.

Iginiit ng United States na nilalayon nitong pagtibayin ang malakas nang alyansa at paghusayin ang defense capability ng Pilipinas.

Inilahad ni Brawner na ang layunin ng EDCA ay training exercises at humanitarian and disaster response, at walang kaugnayan sa regional security threats.

“All of this joint operations, even the selection of our EDCA sites, has nothing to do with the other countries in the Indo- Pacific region, meaning the threats that could come out from these countries,” aniya.

“We’re also very happy that we saw the development of the EDCA sites. We went all the way to Lal-lo in Cagayan and Sta. Ana and this time we’re here in Basa Air Base. We’re also very happy at the rate that the development of these EDCA projects have been going,” wika niya.

“We’re very optimistic that for next year, we will have more of these projects operational so that we can work on our joint exercises right away and also our joint operations,” dagdag ng opisyal.

Gayundin, sinabi ni Aquilino na sinusulong ng dalawang bansa ang kasunduan sa pagpapaigting ng kanilang intelligence sharing. RNT/SA

Previous article‘Co-financing opportunities’ sa ibang sovereign wealth funds, sinisilip ni PBBM
Next articleDOT sa vloggers: Mindanao tourism itampok sa mga video

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here