Home METRO Karagdagang screening officers itatalaga sa NAIA

Karagdagang screening officers itatalaga sa NAIA

MANILA, Philippines- Mahigit 100 karagdagang security screening officers ang mamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil posibleng umabot sa 140,000 pasahero ang bilang ng mga pasahero araw-araw ngayong holiday season.

Ayon sa tagapagsalita ng Office for Transportation Security (OTS) na si Kim Marquez, nasa 108 na bagong security screening officers ang kanilang idinagdag kung saan 52 sa kanila ay naka-deploy sa NAIA Terminals 2 at 3 habang ang 56 ay ide-deploy ngayong linggo sa parehong terminal,

Nabatid na mahigit 1,000 OTS personnel ang kasalukuyang naka-deploy sa pangunahing gateway ng bansa.

Sa isang televised briefing noong Miyerkules, sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan na 140,000 araw-araw na pasahero ang inaasahan sa NAIA ngayong Pasko.

Sa kabila ng pagdagsa, sinabi ni Marquez na nasa Security Condition Level 1 pa rin ang paliparan.

Pinaalalahanan ni Marquez ang publiko na maging maalam sa mga proseso, gayundin ang listahan ng mga ipinagbabawal na bagay sa mga paliparan. Ang listahan, aniya, ay makikita sa OTS website at Facebook page.

Sinabi ni Batan na ipinatupad ang regular na maintenance check sa electrical system ng paliparan upang maiwasan ang power outage. JAY Reyes

Previous articleNueva Ecija, Cavite sapul ng tagtuyot
Next articleDerek, dawit sa Richard-Sarah issue!