Home OPINION KARDINAL: MAY ATIK NA, MATULIS PA

KARDINAL: MAY ATIK NA, MATULIS PA

KATATAPOS lang ang pagdinig sa kasong paglustay ng salapi ng Vatican City, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagbiglang-liko ng malaking halaga mula sa nilustay na salapi para sa kanyang mga kamag-anak at pagiging matulis sa chicks.

Guilty si Cardinal Cardinal Angelo Becciu sa paglustay ng salapi at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Parusa? Pagkabilanggo ng mahigit limang taon at maaaring pagkatanggal ng pagka-Cardinal nito kung mapatunayan sa apela na nagkasala siya.

Mag-aapela pa kasi si Cardinal dahil inosente umano ito sa hatol ng tatlong huwes na duminig sa kaso.

Naging chief of staff si Becciu ni Papa Francis at ito ang utak ng pagbili ng bodega ng department store ng Harrod’s sa London para gawing mamahaling apartment.

Taong 2014 nang makumbinse ni Becciu ang Vatican na bilhin ang bodega sa halagang US dollar 220 milyon at Euro 150 milyon.

Kinulang pa, kaya hiniling ni Becceu na maglabas ang Vatican City bank ng pandagdag at dito na nataranta si Papa Francis  na nag-udyok dito na magpaimbestiga.

Hayun, bukod sa pagbili ng bodega, natuklasang inilagay sa trust fund na hawak ng iba ang malaking bahagi ng salapi at malaking bahagi rin ang napunta sa Sardinia, Italy na pinakinabangan nang husto ng mga kamag-anak ni Cardinal.

Natsismis din si Cardinal na chicks niya ang seksi at intelligence expert na si Cecilia Marogna na kanyang ginamit para iligtas ang isang madre na kinidnap sa Mali.

Binigyan si Marogna ng Euro 600 milyon na naging biglang yaman at nagliwaliw sa buong mundo at madalas “makimiting” kay Becciu.

Nag-raid ang Vatican police at siyam pang iba ang nadakip, kasama na ilang financier, abogado at dating mga empleyado ng Vatican mismo.

May kasama si Becciu na guilty sa ilang kaso ngunit napawalang-sala naman ang iba.

‘Yung pagiging matulis ni Becciu sa chicks ang hindi lang naging malinaw sa lahat.

Naku, mga Cardinal pa naman ang nagmimisa sa ”misa de gallo” ngayong Kapaskuhan!

Previous articlePALASYO BUKAS SA PUBLIKO NGAYONG PASKO
Next articlePINOY SEAMEN AT OIL PRICE HIKE