Home ENTERTAINMENT Karla, di na ibinebenta ang bahay!

Karla, di na ibinebenta ang bahay!

Manila, Philippines- Nagbago na ang isip ni Karla Estrada: hindi na raw niya ibinebenta ang kanilang bahay.

Matatandaang early this year ay up for sale ito.

Pero paglilinaw ng TV host, dalawang taong pinagdesisyunan ng kanyang pamilya ang pagbebenta niyon.

Naiulat pa noon na mas gustong manirahan ni Karla sa bandang South tulad ng Ayala Alabang sa Muntinlupa.

Malapit kasi ang South sa kanyang mga kaibigan.

Bukod dito’y malapit din sa airport.

Nagpasya si Karla na idispatsa ang kanilang family home sa llang dahilan.

Si Daniel Padilla raw ay may sariling tirahan.

Ang anak niyang si Magui ay nasa abroad.

Maging ang anak niyang si Carlito ay sa condo unit nakatira.

Mukhang sa condo rin gustong tumira ng isa pang anak na si Carmella.

“Ganoon yata ang mga kabataan ngayon,” ani Karla realizing the practicality of living in a not so big house lalo’t nag-lisa na lang daw siya.

Itinuwid din ni Karla ang maling tsismis bilang dahilan ng kanyang pagbebenta ng bahay.

“Kailangan ba naghihirap na kaya nagbebenta ng property? Kelan pa naging requirement na kailangang sabihin sa broker kung bakit gusto mong ibenta ang ari-arian mo?” giit ni Karla.

Indirectly, gusto niyang tumbukin na imposibleng kahirapan sa buhay ang magtutulak sa kanila to pursue sale of their property.

“Masisipag kami!” paglilinaw pa ng host ng Face to Face. Ronnie Carrasco III