Home ENTERTAINMENT Karla, nakabili na ng bahay sa South!

Karla, nakabili na ng bahay sa South!

Manila, Philippines – Mismong si Darryl Yap ang nagbisto na nakabili na si Karla Estrada ng bahay sa bandang south.

A most likely part in the south na pinupuntirya ni Karla in Metro Manila ay Muntinlupa kung saan matatagpuan ang Ayala Alabang.

Nakatrabaho ni direk Darryl si Karla sa Maid in Malacañang.

Friendship naturally developed in their working relationship.

Pag-amin ni direk, wala siyang ideya na up for sale ang bahay nila sa Quezon City.

Noon pa kasing nakapost ito sa online real estate market December last year.

Ibinebenta ng anak ni Karla na si Daniel Padilla ang 500-square meter lot sa halagang P50 million.

It has six bedrooms and six bathrooms na may garaheng kasya ang lima hanggang anim na sasakyan.

It’s a two-storey house na unang naipundar ng aktor at iniregalo kay Karla.

All this ay walang alam si direk Darryl except that aware daw siya na tinutulungan ni Karla ang anak to recover from the breakup with Kathryn Bernardo.

Tumawag daw si Karla sa direktor para magpasama sa bibilhing bahay.

That was months ago.

Sa pagkakaalam ni direk, sa kabila ng ginagawang pagbebenta ng pamilya ng kanilang mga ari-arian ay malabong naghihirap na ito.

Kinatamaran na rin daw usisain ni direk ang umano’y utang na P20M ng kanilang pamilya kay Kathryn.

Medyo matagal na raw na wala silang kontak ni Karla who’s busy with other things.

Isa lang daw ang tiyak: Karla’s family already has a new house to live in.

No mention naman si direk how much Karla bought it. Ronnie Carrasco III

Previous articleKris tuloy ang laban vs posibleng lupus
Next articleFans ni Kim, nag-panic!