Home ENTERTAINMENT Karla, wapakels sa bashers!

Karla, wapakels sa bashers!

Manila, Philippines – Sino’ng naghihirap, pamilya ni Karla Estrada?

Of course not!!!

Wari’y ito ang katotohanang gustong itampal ng TV host-actress sa mukha ng mga nagsasabing poor na ang pamilya nila ngayon.

Ibinabase ng mga bashers ang kanilang komento sa mga ulat ng pagbebenta ng anak na si Daniel Padilla ng mga ipinundar na gamit.

As though to prove the bashers wrong, ipinagyayabang pa nga ni Karla na hindi naapektuhan ang kanyang mismong product endorsement.

On Instagram, ibinalandra ni Karla ang ilang litrato niya na kaugnay ng kanyang ineendorso.

Nilakipan niya ito ng caption na: “More of this? Soon!”

Si Karla kasi ang kumakatawan sa plus size collection ng isang malaking online clothing retail brand.

“Unbothered” nga ang nagsusumigaw na mensaheng gustong iparating ni Karla sa mga bashers ng kanyang pamilya.

Keber attitude ang pinaiiral ni Karla sa mga nagsasabing dumausdos ang appeal rating ni Daniel.

Let’s face it, nagsimula lang naman ang lahat ng ito makaraang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo. Ronnie Carrasco III

Previous articleKotse pisak sa karambola ng 5 sasakyan!
Next articlePebrero 9 ideneklarang special non-working day para sa Chinese New Year