Home METRO Karnaper tiklo sa Las Pinas

Karnaper tiklo sa Las Pinas

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang isang 39-taong-gulang na lalaking suspect sa carnapping sa isinagawang operasyon ng kampanya laban sa kriminalidad nitong Miyerkules (Enero 17) sa Las Piñas City.

Kinilala ni Las Pinas police chief P/Col. Jaime Santos ang nadakip na suspect sa alyas lamang na Rod.

Base sa report na isinumite ni Santos sa Southern Police District (SPD), inaresto si alyas Rod dakong alas 4:30 ng hapon sa Barangay Talon Kuatro, Las Pinas City.

Si alyas Rod ay ikinokonsiderang Top 10 most wanted person sa ilalim ng district level at top five naman sa station level.

Naihain ang pag-aresto kay alyas Rod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Nobyembre 29, 2023 ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Judge Pia Cristina B. Bersamin Embuscado ng Branch 198 na may kaakibat na piyansang P300,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Makaraan ang pag-aresto kay alyas Rod ay agad itong ikinulong sa custodial facility ng Las Pinas City police habang naghihintay ng kanyang commitment order para sa paglipat ng piitan sa Las Pinas City jail. (James I. Catapusan)

Previous articleLeBron, Giannis nangunguna pa rin sa patapos na NBA All-Star fan voting
Next articleKalansay nahukay sa kapitolyo ng Nueva Vizcaya