
MANILA, Philippines – Idinidikta ng kartel na umaangkat ng produktong agrikultural ang presyo ng asukal sa pamilihan sa kabila nang murang halaga ng pagkakaangkat at madami ang suplay tulad ng sibuyas, ayon kay Senador Risa Hontiveros.
Sa ginanap na imbestigasyon ng Senate Committee on agriculture and food sa pamumuno ni Senador Cynthia Villar, na hindi makontrol ang presyo ng asukal sa lokal na pamilihan kahit maraming suplay sanhi ng kartel.
Aniya, dapat bumagsak ang presyo ng asukal sa pamilian dahil pinayagan ng Palasyo ang importasyon ng 440,000 metriko toneladang asukal pero hindi ito ang nangyayari.
Binanggit ni Hontiveros na umangkat ang tatlong kompanya ng asukal bago pa man ipalabas ang Sugar Order No. 6 ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
“This is cartel behavior. Common sense, if there is more than enough supply, the price of sugar should have dropped. But why has the prices of sugar still high?” ayon kay Hontiveros sa pahayag.
Iginiit pa ng senador na pinayagan ng SRA ang pag-aangkat ng asukal kasama ang 10 hanggang 30 importers upang dumami ang kalahok at bumagsak ang presyo.
Sinabi pa ni Hontiveros sa ginanap na pagdinig na binanggit ng Philippine Association of Supermarkets Inc. nitong Huwebes na hindi lamang ang presyo ng asukal ang nananatiling mataas kundi maging ibang produkto tuladng sibuyas sa kabila ng sapat ang suplay.
Dahil dito, iginiit ni Hontiveros na payagan ng pamahalaan ang industrial sugar users na umangkat ng sarili nitong asukal upang matugunan ang kanilang operasyon habang may nakikiang kakapusan ng suplay nio.
“For a short term, I think, while supplies are limited, the government should heed the call of those in the industrial sugar industry to be able to directly import sugar,” aniya.
“But for the medium and longer term, the government should support the development of the local sugar industry and local sugar producers,” giit pa niya. Ernie Reyes