Home ENTERTAINMENT Karylle, “nagparaya”!

Karylle, “nagparaya”!

Manila, Philippines – Understandable kung no show man si Karylle Tatlonghari sa It’s Showtime sa isang episode nito.

Nasa lineup kasi ng mga guests that day ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Obviously, the couple would not have guested on the show kung wala silang MMFF movie.

Ito ‘yung isa sa sampung kalahok sa this year’s Metro Manila Film Festival.

First time ngang mag-guest doon ang Dong Yan since Showtime airs on GTV, sister network ng GMA of which Primetime King and Queen ang couple.

Sa mga hindi nakakaalam, bago naging kasintahan ni Dingdong si Marian, he and Karylle had a romantic past.

Knowing na mapagbiro ang main host ng Showtime na si Vice Ganda, baka maungkat lang ang nakaraan nina Dingdong at Karylle.

Although water under the bridge na

‘yon, for sure, Karylle would have found it awkward.

For sure din, pinag-usapan na sa pre-production meeting ng Showtime ang sadyang absence ni Karylle for her own sake.

Kailangan din namang protektahan ng show ang interes ng mga host nito.

Upfront, tiyak na hindi alam ni Karylle kung ano ang kanyang reaksyon.

The same goes lalo na for Dingdong na baka feeling “maiipit” between his past and present loves.

True to the title of the MMFF movie na pino-promote ng mag-asawa, magkakaroon lang ng rewind ang isa nang kasaysayang nakabaon na sa limot. Ronnie Carrasco III

Previous articleTUPAD beneficiaries sa Laguna, binisita ni Sen. Tolentino
Next articleDwight Howard binisita si Pacquiao