Home HOME BANNER STORY Kasahan ng baril: Road rage sa Valenzuela nahulicam

Kasahan ng baril: Road rage sa Valenzuela nahulicam

1117
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa isang siklista na iimbestigahan ang isa na namang kaso ng road rage sangkot ang isang sports utility vehicle (SUV) driver na nagbanta gamit ang isang baril.

Ito ay matapos ibahagi ni Atty. Raymond Fortun sa social media ang dashcam footage noong Setyembre 5 kung saan makikita ang isang Toyota Fortuner driver na bumaba sa sasakyan at kinompronta ang siklista.

Nakunan umano ang insidente noong Agosto 19 sa Bignay, Valenzuela.

Ikinasa ng SUV driver ang kanyang baril saka nilapitan ang ang isang lalaking nakeberdeng kamiseta at itinulak ito kaya napaatras at hinawakan ang pinto ng isang nakaparadang taxi na iniwan ng driver ndunit di naman sumakay ang biktima.

Makikipagtulungan umano ang Pamahalaang Lungsod sa may-ari ng footage upang makatulong sa imbestigasyon. Merly Iral

Previous articlePAGLALAGAY NG MAAASAHANG FIRE DETECTORS, NAPAPANAHON
Next articleVALENZUELA IMPLEMENTS RICE PRICE CEILING ON MARKETS, SUPERMARKETS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here