Home ENTERTAINMENT Kasalang Bea at Dom, sa Madrid gaganapin?

Kasalang Bea at Dom, sa Madrid gaganapin?

Madrid, Spain – Nagbubunyi si Bea Alonzo dahil ikinagagalak niyang ibinalita na opisyal na siyang residente ng Spain.

Matatandaang taong 2022 nang makabili ang Love Before Sunrise star ng apartment sa Madrid, kabisera ng Spain.

Ang kanilang 20-day rendezvous ng nobyong si Dominique Roque allowed Bea to tour Milan, Lake Como at iba pang breathtaking na lugar sa Italy.

Nagkaroon din siya ng pagkakataong manatili sa kanyang nabiling apartment.

Masaya niyang ibinalita na: “Makukuha ko na ang residency card ko!”

Sa pamamagitan ng Spain’s Residency Program by Investment, maaaring makabiyahe si Bea visa-free sa mga bansang sakop ng Schengen zone.

Ito’y kinabibilangan ng Austria, Malta, Poland, Sweden, Switzerland at marami pang iba.

Taong 2022 rin nang ibida ni Bea ang kanyang apartment sa kanyang ina.

Balak ni Bea na i-feature ang house tour sa kanyang tirahan sa Madrid with no less than Dominique as the videographer.

Dahil nalalapit na ang kanilang kasal, may mga ispekulasyon na posibleng sa Madrid nila idaos ang kanilang honeymoon pagkatapos ng kanilang pag-iisang-dibdib dito sa bansa.

May balita ring posibleng ganapin ang engrandeng reception sa farm ng aktres sa Zambales. Ronnie Carrasco III

Previous articlePBBM: May 80 infra projects na maaaring pondohan sa Maharlika Investment Fund
Next articleFrance nag-isyu ng arrest warrant vs Syrian President – source