Home METRO Kasintahan pinaslang, anak ginahasa ng kelot!

Kasintahan pinaslang, anak ginahasa ng kelot!

ILIGAN CITY- Pinaslang umano ng isang lalaki ang kanyang kasintahan at ginahasa pa ang  13-anyos na anak ng babae sa Sitio Panadtaran, Barangay Gumagamot, Lala, Lanao del Nortenitong Enero 5.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Lala Municipal Police Station sa pangunguna ni officer-in-charge Police Major Ronald Angelo Rivel, dinala ng suspek na si Juvy delos Santos, ng Purok Bumvil, Sugod, Tukuran, Zamboanga del Sur, isang fish cage guard, ang biktimang kinilalang si Vergie Sande Erana, at kanyang anak sa isang fish cage sa karagatan sakay ng fishing boat kasunod ng pagtatalo ng magkasintahan dahil sa selos.

Sinakal umano ng lasing na si Delos Santos si Erana gamit ang lubid hanggang mamatay ito at itinapon ang kanyang katawan sa dagat.

Ginahasa pa umano ng suspek ang anak ni Erana at dinala ito sa kanyang bahay house at pinagtangkaang papatayin sakaling magsumbong ito.

“So hinatid niya pauwi sa bahay  ang bata, late na nagsabi ang bata na ni-rape siya at kung saan ang mama niya,” ani Rivel.

Natagpuan ang bangkay ni Erana nitong Sabado ng umaga at dinala sa ospital kung saan siya idineklarang patay.

Naaresto ng mga pulis ang suspek, na miyembro ng Batang Mindanao 29 gang, sa manhunt operation sa Barangay Maraya, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur nitong Enero 6.

Nahaharap si Delos Santos sa kasong murder at rape na walang inirekomendang piyansa.

Nakulong na ang suspek sa kasong frustrated murder sa Tukuran.

“Frustrated murder kasi may binugbog siya at hinampas ng bato sa ulo, na-filan ng kaso frustrated murder at nakulong siya,” paglalahad ni Rivel.

Nanawagan naman ang opisyal sa mga magulang na huwag basta magtiwala o ipagkatiwala ang mga anak sa mga kakilala.

“Pag-ingatan natin ang ating mga anak, kapag oras na o alanganin na sa oras, huwag na natin palabasin ang mga bata,” aniya. RNT/SA

Previous articleNasa likod ng W. Visayas power outage pananagutin ng Iloilo provincial gov’t
Next articleDumaraming kaso ng gastroenteritis tatalupan ng Baguio City