ANG sabi ng mga matatanda sa amin “ang sinungaling daw ay kapatid ng magnanakaw.”
Ito ang nakikita kong pananaw sa pinakahuling kasinungalingang ikinalat ng front organizations ng mga komunistang-teroristang samahan na CPP-NPA-NDF sa dalawang kabataang sina Jhed Tamano at Jonila Castro.
Pinagtahi-tahing kasinungaliang ikinalat ng grupong Karapatan, ang mga propagandang gamit ang dalawang inosenteng mga kabataang ito. Pinasabog noong una na nawawala raw ang dalawang environmentalists na estudyante na kasamang kumikilos laban sa Manila Bay reclamation at dinukot pa nga ng mga sundalo.
Matapos maikalat na dinukot daw ng militar, nagpakalat din nang paghingi ng donasyon, pera, at anomang maibibigay ng publiko at ng kanilang mga taga-suporta para lamang daw mahanap ang dalawa.
Malalaking kasinungalian na hinaluan pa ng pagnanakaw ang propagandang ito ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng kaalyado nitong grupo na Karapatan.
Unang-una, hindi mga militante o aktibista sina Castro at Tamano. Sila ay narecruit ng CPP-NPA-NDF at inuutusan ng kilusan na manghikayat pa ng mga kabataan para mapabilang sa komunistang-teroristang samahan.
Pangalawa, hindi sila dinukot ng militar. Sila ay kusang loob na sumuko sa Philippine Army 70th Infantry Battalion sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan noong September 12, 2023.
Ibibigay ang kanilang mga sarili sa awtoridad dahil sa takot sa kanilang mga buhay at para na rin sa kanilang mga mahal sa buhay, unang-una na ang kanilang mga magulang.
Tumakas! At hindi dinukot. Ang masama pa, ginamit para kumalap at makapanghingi ng pera, sa paghingi ng tulong kuno, para mahanap ang dalawang kabataang babae.
Kapal talaga ng mga mukha nitong mga panggulo sa ating lipunan. Hahayaan ko na kayo ang humusga, kung sino sa amin ang nagsasabi nang katotohanan.
Basta ang alam ko, ang mga komunistang-teroristang ito, kasama ang Karapatan ay mga “sinungaling’ at “magnananakaw.”