Home HEALTH Kaso ng bird flu sa mammals mahigpit na binabantayan ng WHO

Kaso ng bird flu sa mammals mahigpit na binabantayan ng WHO

79
0

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na “mahigpit na sinusubaybayan” nito ang kaso ng bird flu sa mga mammal na iniulat kamakailan sa ilang bansa kabilang ang United Kingdom, France, at United States.

Sa isang virtual press conference, kinumpirma ng WHO ang spillover ng H5N1 Avian Influenza strain sa maliliit na mammal ngunit sinabing nananatiling “mababa” ang tsaysa nito na mailipat sa mga tao.

“Over the past few weeks, there have been several reports of mammals including minks, foxes, otters, and sea lions having been infected with H5N1 Avian Influenza. H5N1 has spread widely on wild birds and farm poultry for 25 years but the recent spillover to mammals needs to be monitored closely,” ani WHO Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus.

“For the moment, WHO assesses the risk to humans as ‘low’ since H5N1 first emerged in 1996, we have only seen rare and non-sustained transmission of H5N1 to and between humans,” dagdag pa niya.

Ayon sa isang ulat ng Agence-France Presse, ang spillover ng highly-transmissible virus na karaniwan sa mga ligaw na ibon at domestic poultry ay iniulat sa UK, US, at France.

Gayunpaman, iniulat ng Ecuador ang unang kaso ng A(H5) bird flu virus sa South America sa isang tao noong nakaraang buwan — isang siyam na taong gulang na batang babae na nakipag-ugnayan sa backyard poultry.

Sinabi ng WHO na ang kaso ay “bihirg” at hindi pa ito nakatanggap ng anumang katulad na mga ulat ng impeksyon.

Nilinaw ni Briand na ang virus ay “zoonotic” at nananatiling “napaka adaptive” sa mga hayop at hindi sa mga tao, idinagdag na dahil sa mga katangian nito, ito ay mahalaga upang mapigil ang pagkalat ng virus sa mga hayop upang maiwasan ang paghahatid sa populasyon ng tao.

Pinayuhan naman ni Ghebreyesus ang publiko na manatiling mapagmatyag at iwasang makipag-ugnayan sa mga patay o may sakit na hayop upang maiwasan ang panganib sa virus. RNT

Previous articleD’Angelo Russell nakuha ng Lakers – source
Next articlePebrero 13 sa P’que idineklarang special non-working holiday ng Malacañang