Home HOME BANNER STORY Kaso ng COVID sa Bicol, tumataas

Kaso ng COVID sa Bicol, tumataas

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang Bicol region.

Sa huling ulat, naitala ang nasa 28 kaso ng sakit ng Department of Health (DOH) Bicol mula Mayo 12 hanggang 18, 2024, na nagmarka sa 133% na pagtaas sa COVID cases kumpara sa 12 kaso na naitala mula Mayo 5 hanggang 11.

Mula Abril 28 hanggang Mayo 4 ay may naitalang pitong kaso ng COVID-19 o pagtaas na 17%; mula Mayo 5 hanggang Mayo 11 ay 12 kaso o percentage increase na 71% at 28 kaso mula Mayo 12 hanggang Mayo 18 o percentage increase na 133%.

Naitala sa Camarines Sur ang may pinakamataas na kaso sa 18 kaso, sinundan ng Albay na may walong kaso ng COVID.

Isa sa mga naitalang kaso ay sa Masbate, at ang isa naman ay biyahero na nagpositibo sa sakit habang nasa Bicol. RNT/JGC