Home NATIONWIDE Kaso ng dengue sa Baguio ngayong taon, tumaas ng 134%

Kaso ng dengue sa Baguio ngayong taon, tumaas ng 134%

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Baguio City ng 940 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang sa kasalukuyan.

Mas mataas ito ng 134% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na 401.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Mayor Benjamin Magalong sa biglang pagtaas ng kaso ng dengue.

Iniulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit na 70 percent ay mula sa Baguio City habang ang iba pa ay mula sa iba pang lokalidad.

Inilarawan ng City Health Services Office ang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng dengue na nakakaalarma.

Tinukoy ang mga hotspot barangays sa maraming kaso ng dengue. Ito ay ang Irisan, Bakakeng Central, Asin Road, Pacdal, Santo Tomas Proper, Gibraltar, West Quirino Hill, Mines View Park, Middle Quirino Hill, at Victoria Village.

Mahigpit na ipinatutupad ni Magalong ang implementasyon ng Ordinance 66-2016 o Anti-Dengue Ordinance ng Baguio City.

Ipinag-utos din niya ang pagpapataw ng penalty sa mga hindi susunod sa dengue control measures.

Ipinagbabawal sa kautusan ang pag-iimbak ng tubig sa mga container na hindi isinarang Mabuti, pag-iimbak ng tubig sa mga vase, at paso sa mga ornamental plants at axillado plants ng mahabang panahon, pagtatago o pagtatapon ng mga gulong, magbuhos ng waste water o sewage sa mga kalsada, at eskinita, maging ang pagsasagawa ng chemical control methods na walang clearance mula sa CHSO at Department of Health.

“Any non-cooperative owner, group of people, or public or private entity, may be summoned to appear before the barangay head to explain with reasonable cause why no legal action should be taken against the violator,” saad pa sa ordinansa. RNT/JGC