Home HOME BANNER STORY Kaso ng gastroenteritis cases sa Baguio City lampas 3,000 na!

Kaso ng gastroenteritis cases sa Baguio City lampas 3,000 na!

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Baguio City government ng 3,087 self-reported cases ng acute gastroenteritis, ayon sa local health official nitong Linggo.

Sa isang news conference, sinabi ni Baguio City Health Services Office (CHSO) head Celia Flor Brillantes na sa mahigit 3,000 cases, 691 o halos 22% ang nagpakonsulta sa mga ospital.

“[On] Jan. 9, we were getting a significant decline of our cases. Today, we only had three reporting cases in our system. [The] majority are females and belong to the age group of 21 to 30 young adults,” wika ni Brillantes.

Aniya, nagpositibo ang stool samples mula sa 10 pasyenteng na-admit dahil sa acute gastroenteritis sa norovirus at sapovirus, na ayon sa mga eksperto ay karaniwang sanhi ng sakit.

“Through the stool samples that the Baguio General Hospital submitted to the RITM (Research Institute for Tropical Medicine)…10 stool samples were submitted and five were positive for norovirus,” pahayag ng health official. “And then three out of the 10 were positive for sapovirus. Two samples were positive for both.”

Nauna nang sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa isang panayam na 45 indibidwal ang naospital dahil sa sakit, na may sintomas na diarrhea at abdominal cramps.

“Unless we are able to identify the causes, circumstances, saka pa lang natin masasabi confidently na tapos na. Pero looking at the current trend ng epidemiological curve, we’re getting there,” pahayag ni Magalong nang tanungin kung tapos na ang pinakamalala.

Ayon kay Donabel Panes, pinuno ng CHSO’s Epidemiology Surveillance Unit, hinihintay pa nila ang resulta ng bacteria test sa stool samples ng mga pasyente. Lumabas umano ang virus findings nitong Sabado ng gabi.

Dahil dito, nakatakdang isailalim ng mga awtoridad ang water sources na nauna nang napag-alamang kontaminado sa isa pang pagsusuri, sa pagkakataong ito ay para sa virus.

Ayon sa local government, nagpositibo ang 18 water sources sa coliform — 12 mula sa water delivery firms, apat mula sa food establishments, isa mula sa residential place, at isang mula sa paaralan. Walong sample naman ang nagpositibo sa E. coli. 

Inihayag ni Ian Christian Gonzales ng Department of Health’s Epidemiology Bureau na hindi nila masisiguro kung mayroong nag-iisang source para sa outbreak dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon.

“Ang pwede pa lang natin ma-generalize is likely hindi siya sa food because it has continued for some time, more likely na water siya,” ani Gonzales.

Tiniyak naman ni Baguio Water District division head Fernando Peria sa mga residente na “all the water sources that we distribute to the consuming public are all compliant to the parameters set by the Philippine national standards for drinking water.” RNT/SA

Previous article‘Libreng Sakay’ pagugulungin ng Manila LGU para sa nationwide transport strike sa Jan. 16 
Next article#WalangPasok sa 5 lugar sa Calabarzon sa pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon