MANILA, Philippines – Lumobo ng 108.27% ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Oktubre 7 ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ito ang iniulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance matapos na makapagtala ng 77 leptospirosis cases mula Enero 1 hanggang Oktubre 7, 2023.
Ang District 2 ang may naitalang pinakamaraming kaso sa 72 habang ang District 5 ang may pinakamababa sa 28 kaso.
Samantala, nagresulta ang leptospirosis sa pagkasawi ng 33 residente.
Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan na agad magpunta sa ospital kung makaranas ng sintomas ng leptospirosis.
Ang leptospirosis ay isang fatal bacterial disease na nakaaapekto sa mga tao at hayop.
Dulot ito ng spiral shaped bacteria ng genus Leptospira na kumakalat sa ihi ng mga apektadong hayop.
Kabilang sa sintomas ng leptospirosis ang mataas na lagnat, masakit na ulo, chills, muscle aches, vomiting, jaundice, red eyes, abdominal pain, diarrhea, at rash.
Posible ring walang anumang sintomas ang ilang apektado nito. RNT/JGC