Home NATIONWIDE Kaso ng rabies sa Pinas tumaas

Kaso ng rabies sa Pinas tumaas

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 63 porsyentong pagtaas ng mga kaso ng rabies simula sa kalagitnaan ng Disyembre 2023, ayon sa ahensya.

Mula Disyembre 17 hanggang 31, 2023 nakapagtala ito ng 13 rabies mula sa walong kaso na naiulat noong nakaraang dalawang linggo.

Kabilang sa mga rehiyon na nakitaan ng mataas na kaso ay  ang Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Wester Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro.

Pitong kaso ng human rabies ang naiulat mula Enero 1 hanggang 13, 2024, dagdag ng DOH.

“Rabies kills. Pets such as cats and dogs may carry rabies and infect their owners. Stray cats and dogs may likewise do so,” sabi pa ng DOH.

Binanggit ng ahensya na isang batas ang nag-aatas sa local government upang tiyakin na ang lahat ng aso ay maayos na nakuha.

Kung may mga stray dog ay mahigpit na ipinatutupad ang pag-impound sa mga ito.

“The DOH is tasked to provide post-bite treatment at minimum expense to humans who are exposed, and pre-exposure prophylaxis to high risk personnel. Prevention is always better than cure: all cats and dogs must be vaccinated against rabies, and all animal bites must be brought to medical attention immediately,” dagdag pa nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAnti-terror law tinalakay ng UN official, SC justices
Next articlePambansang protesta kontra People’s Initiative gugulong sa Davao