Home ENTERTAINMENT Kaso ni Azenith, bet paimbestigahan ni Sen. Lito!

Kaso ni Azenith, bet paimbestigahan ni Sen. Lito!

Manila, Philippines- Wala nang makadurog-puso para sa isang ina ang alisan siya ng karapatang madalaw ang kanyang anak.

Ganito katindi ang dinanas ng ina ng dating atres na si Azenith Briones.

Reports have it na nasa isang undisclosed rehabilitation facility si Azenith.

Diumano, mismong ang apat niyang anak ang nagdala kay Azenith doon.

May lumabas kasing tsismis na lulong umano si Azenith sa ipinagbabawal na gamot.

May paratang ding gumon sa pagsusugal si Azenith.

Ang lahat ng akusasyong ito’y itinanggi mismo ni Isabel Rivas, malapit na kaibigan ni Azenith.

Base sa kuwento ni Isabel, hindi pa man ay gusto na umanong makuha ng apat na anak ni Azenith ang kanilang mana.

Nakuha raw i-withdraw ng mga ito sa bank account ni Azenith ang halagang P2 million.

Itinuturo rin ni Isabel ang mismong mga anak ng kaibigan na puwersahang dumukot dito para dalhin sa rehab center.

Kamakailan, balitang tinangka ng ina ni Azenith na dalawin doon ang anak pero hindi raw ito pinayagang makapasok.

Ang mga anak daw ni Azenith ang sinasabing nagdedesisyon at nasusunod sa nais nilang mangyari.

Ganoon na lang daw ang iyak ng ina ni Azenith when denied entry.

Balitang willing paimbestigahan ni Senator Lito Lapid ang kaso ni Azenith.

Medyo nag-aalangan nga lang daw ang aktor-pulitiko dahil usaping pamilya ang kinapapalooban ni Azenith.

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan mula nang ipost ni Isabel sa kanyang Facebook account ang “nawawalang” Azenith na umano’y dinukot mula sa kanyang tahanan. Ronnie Carrasco III

Previous articleHigit 14K NavoteƱos binigyan ng hamon
Next article400% fare hike sa gitna ng PUV modernization nakaamba