Home HOME BANNER STORY Kaso ni Veloso muling bubusisiin ng Indonesia – PCO

Kaso ni Veloso muling bubusisiin ng Indonesia – PCO

MANILA, Philippines- Nangako ang Indonesia kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na muling bubusisiin ang kaso ng convicted Filipino drug mule na si Mary Jane Veloso, ayon sa Presidential Communications Office nitong Huwebes.

”Yes, with the decision of the Indonesian government to look into the case filed by Mary Jane Veloso in the Philippines,” pahayag ni PCO Secretary Cheloy Garafil nang tanungin kung nakakuha ng commitment si Marcos mula kay Indonesian President Joko Widodo.

”In fact, the Indonesian government is waiting for the decision of the Philippine court on the case she filed,” dagdag ni Garafil.

Bumisita si Jokowi sa Manila kung saan nakipagpulong siya kay Marcos.

Anang Department of Foreign Affairs, tatalakayin ang kaso ni Veloso sa pulong ng Philippine officials at kanilang Indonesian counterparts.

Umaasa si Marcos na uusad ang kaso ni Veloso at gagawaran ito ng clemency.

Noong 2010, hiantulang guilty si Veloso sa drug trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta. Pinatawan siya ng death penalty.

Noong 2015, sinabi ni Jokowi na binigyan ng gobyerno si Veloso ng ”temporary reprieve” mula sa nakatakdang pagbitay sa kanyam ayon sa ulat ng The Jakarta Post.

Naghain na ng kasing human trafficking at hiwalay na large scale illegal recruitment case laban sa raffickers ni Veloso na sina Julius Lacanilao at Cristina Sergio sa Regional Trial Court ng Nueva Ecjia. RNT/SA

Previous articleHirit ni Rep. Garin na pagbasura sa Dengvaxia cases tablado sa Sandiganbayan
Next articlePinas ika-73 sa world’s most powerful passport list