Home METRO Kaso sa kontrobersyal na Chocolate Hills resort ikinakasa ng Ombudsman

Kaso sa kontrobersyal na Chocolate Hills resort ikinakasa ng Ombudsman

MANILA, Philippines-  Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa kontrobersyal na itinayong resort sa Chocolate Hills na isang protected area sa Bohol.

Kinumpirma ni Ombudsman Samuel Martires na nagtungo na sa Bohol ang mga imbestigador ng Ombudsman para kumalap ng mga dokumento habang ang isa nitong tauhan ay pumunta sa opisina ng regional executive director sa Cebu.

Umaasa si Martires na ngayong araw ay maisusumite sa kanya ang listahan ng mga miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB).

Ang PAMB ang nag-iisyu ng business permit at ng building permit.

Kumpiyansa ang Ombudsman na agad nilang matatapos ang case buildup pagkatapos ng Semana Santa.

Kasunod ng case build up ay maaari nang simulan ang preliminary investigation.

Nakasaad sa Proclamation 1037 ni dating Pangulong Fidel Ramos, itinalaga ang Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape.

Samantala, tiniyak ni Martires na iimbestigahan din ng Ombudsman ang pahayag ni Senador Raffy Tulfo na may mga itinayo ring resorts sa protected area ng Mt. Apo sa Davao.

Auon sa Ombudsman, pagkatapos ng Chocolate Hills ay bubuo muli sila ng team na tutulak sa Mindanao para siyasatin ang Mt. Apo. Teresa Tavares

Previous articleP680,000 shabu nasamsam; suspek tumalon sa ilog
Next articlePH-US-Japan summit sa White House kasado sa Abril