MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga kandidato o tagasuporta ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na sangkot sa iligal o premature campaigning.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang aksyon ng poll body ay hindi limitado sa pagpapalabas ng show cause orders.
Giit ng poll chief, kailangan may mahahainan ng Kasi ay maidkwalipika gago ang ang botohan sa Oktubre.
Pinaalalahan ni Garcia ang lahat ng kandidato at supporters na sumunod sa mga patakaran sa halalan.
Sinabi ni Garcia na kailangan gawing institusyonal ang kultura ng isang tapat at malinis na halalan.
” We have to institutionalize the mindset of everybody, more particularly, the candidates should be ‘we have to follow the rules, we have to follow the law,” sabi ni Garcia .
Ginawa ng Comelec ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng Task Force Kontra Epal sa ilalim ng liderato ng Region 8 (Eastern Visayas) na si Director Nick Mendroz.
Nitong Miyerkules, nakapag-ulat na ang Task Force ng 470 BSKE candidates na umanoy aankot sa maagang pangangampanya sa buong bansa kung saan 174 karagdagang show cause orders ang nailabas na.
Sinabi ni Mendoza na ang Task Force ay may dalawang paraan para matugunan ang mga reklamo.
Una ay ang pag-uuri ng mga na-verify at hindi na-verify na mga reklamo upang matiyak ang angkop na proseso para sa bawat kandidato ng BSKE.
Samantala, sinabi ni Garcia na ang mga election offense ay may tatlong taong prescriptive period kung saan maaaring magsampa ng mga reklamo.
“Kung di ka man na-disqualify dahil natapos na ang eleksyon, ‘yung election offense tatlong taon pang pwedeng i-file from the discovery of the committed crime. Di ka pa rin ligtas, nanalo o natalo” , saad ni Garcia .
Ang opisyal na listahan ng mga areas of concern ay ibibigay ng PNP at Armed Forces of the Philippines sa Comelec sa Huwebes.
Nakatakda ring ipahayag ng Comelec ang desisyon nito na ituloy o ipagpaliban ang BSKE sa Negros Oriental sa Setyembre 16.
Sa nasabing petsa, tatalakayin ng poll body ang mga protocol para sa espesyal na halalan sa Disyembre 9 sa 3rd district ng Negros Oriental para palitan ang bakanteng upuan ni dating Rep. Arnolfo Teves Jr. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)