Home NATIONWIDE Kasong isasampa vs tax evaders tiyakin na ‘di makikitaan ng butas –...

Kasong isasampa vs tax evaders tiyakin na ‘di makikitaan ng butas – Remulla

MANILA, Philippines – Mahigpit na inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang mga prosecutor na tiyakin na airtight o malakas ang mga kaso laban sa mga inirereklamong tax evaders.

Sa isang kalatas sinabihan ni Justice Remulla ang mga piskal na maging maagap sa pag-iimbistiga ng mga kaso at tiyakin na malakas ang kasong isasampa sa korte.

Inilabas ng kalihim ang kautusan matapos isampa kamakailan sa DOJ ang reklamong tax evasion laban sa dalawang kumpanya na nasa likod ng pagawa ng mga pekeng resibo na ikinalulugi ng malaki ng gobyerno.

Batay sa kautusan ni Remulla kailangan isailalim ng mga piskal sa komprehensibong pagsusuri ang mga inihahain na tax evasion cases para hindi mabasura pagdating sa korte.

Nais ng kalihim na masiguro na mahahatulan ang mga tax evaders upang hindi mabalewala ang pagsisikap ng gobyerno.

“The filing of cases is merely the first step of our mandate as the prosecution arm of the government. Prosecution is a tedious and rough journey which should always end in conviction,” ani Remulla.

Dagdag ng kalihim “We cannot be complacent in prosecuting tax evasion cases, we should ensure an airtight case. These tax evaders who have been defrauding the government shall face the full force of the law”. Teresa Tavares

Previous articlePresensya ng mga unggoy sa construction site sa Cebu chapel tatalupan ng DENR
Next articleAlintuntunin para sa mga bagong hari ng kalsada na e-bike ilalabas ng gobyerno