Home NATIONWIDE Kasunduan sa S. China Sea security, bigas sinelyuhan ng PH, Vietnam

Kasunduan sa S. China Sea security, bigas sinelyuhan ng PH, Vietnam

MANILA, Philippines- Kapwa nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na palakasin ang pagtutulungan sa hanay ng kanilang coastguards at pipigilan ang hindi inaasahang mga pangyayari sa South China Sea.

Kasalukuyang nasa Vietnam si Pangulong Marcos para sa kanyang two-day state visit doon.

Batid naman ng lahat na ang dalawang bansa, ang Pilipinas at Vietnam ay nag-aagawan sa ilang bahagi ng South China Sea.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang Malakanyang sa nasabing kasunduan sa Hanoi.

Sa kabilang dako, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tinintahan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding on Incident Prevention and Management in the South China Sea at Memorandum on Maritime Cooperation.

Tinuran ng PCO na sa ilalim ng kasunduan hinggil sa ‘incident prevention,’ nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang pagtutulungan kaugnay sa maritime issues sa ASEAN at sa iba pang dialogue partners.

Kapwa naman nangako ang magkabilang panig na paiigtingin ang pagsisikap na isulong ang “trust, confidence, and understanding” sa pamamagitan ng dayalogo at cooperative activities.

Samantala, layon ng MOU on Maritime Cooperation na pagtibayin ang “pagkakaunawaan, mutual trust, at confidence” sa pagitan ng dalawang partido sa pamamagitan ng development ng Joint Coast Guard Committee para pag-usapan ang karaniwang usapin at interest sa pagitan ng coastguards ng dalawang bansa.

Gayundin, sa bilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama si Vietnamese President Vo Van Thuong, binigyang-diin ng una na ang Vietnam ay nananatiling nag-iisang strategic partner ng Pilipinas sa ASEAN region.

”I am hopeful that this meeting will provide fresh opportunities to reinforce our bilateral relations with the aim of fostering peace and prosperity between our two countries and in the region,” ayon kay Pangulong Marcos.

”While maritime cooperation is the foundation of our strategic partnership, our bilateral relations have spanned various areas of cooperation, such as in defense, trade, agriculture, and culture, amongst others,” dagdag na pahayag nito.

Kapwa ang Hanoi at Maynila ay mayroong hindi pagkakaunawaan sa coastguard ng Tsina sa nakalipas, subalit napapadalas ang pagtatalo sa nakalipas na taon sa pagitan ng sasakyang-dagat ng Tsina at at US-kapanalig ng Pilipinas. Kris Jose

Previous articlePH Navy: Halos 25 Chinese warships umaaligid sa Mischief Reef
Next articleBong Go, tulay ng healthcare services sa mahihirap