Home NATIONWIDE Kasunod ng June 17 clash: Beijing bukas sa dayalogo sa Pinas

Kasunod ng June 17 clash: Beijing bukas sa dayalogo sa Pinas

MANILA, Philippines – BUKAS ang Beijing sa dayalogo para pangasiwaan ang mga magkakaibang posisyon sa South China Sea (SCS).

Ito ang inihayag ng Chinese Embassy sa Maynila, ilang araw matapos na umakyat ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa insidente ng kinasangkutan ng Chinese Coast Guard noong Hunyo 17.

Sinabi ng Chinese Embassy na ang Beijing ay nananatiling “committed to properly managing differences” ukol sa isyu ng sealane “through dialogue and consultation with countries concerned”.

Sinabi pa rin ng Embahada na handa ang Beijing na makatrabaho ang ASEAN countries para ganap at epektibong maipatupad ang Declaration on the Conduct of Parties (DOC) sa SCS at isulong ang konsultasyon sa Code of Conduct para “jointly safeguard peace and stability in the region”.

Nauna rito, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ito’y “working hard” para ibalik ang Tsina sa pag-uusap at resolbahin ang pagkakaiba sa usapin ng SCS.

Ang komento ng Embahada ay bahagi ng reaksyon sa kamakailan lamang na naging pahayag ni US Ambassador MaryKay Carlson na “the chorus against threats to peace and stability in the South China Sea is growing louder and stronger each day”.

Hindi kasi nagustuhan ng Beijing ang naging pahayag ni Carlson matapos na hikayatin ng huli ang estado na “cease harassment of Philippine vessels lawfully operating in the Philippine exclusive economic zones (EEZ) and to halt its disruption to states’ sovereign rights to explore, utilize, conserve, and manage natural resources in their territories and EEZs”.

Nauna rito, iniulat ng China Coast Guard na nagkabanggaan ang barko ng Pilipinas at China sa Ayungin shoal na isang submerged reef sa may Spratly Islands sa West Philippine Sea, araw ng Lunes, Hunyo 17, 2024.

Sa inilabas na statement ng CCG, binalewala umano ng resupply ship ng Pilipinas ang maraming beses na babala mula sa panig ng China.

Inakusahan din nito ang barko ng PH na lumapit sa unprofessional na paraan na nagresulta umano sa banggaan.

Pinaratangan din ng CCG ang barko ng PH na ilegal umanong pumasok sa karagatan malapit sa Ayungin shoal sa Spratly Islands.

Saad pa ng CCG na nagsagawa umano ito ng control measures laban sa barko ng PH alinsunod sa batas.