Home METRO Katawan ng lalaki nahati sa bumagsak na bato sa Batangas

Katawan ng lalaki nahati sa bumagsak na bato sa Batangas

MANILA, Philippines – Nahati ang katawan ng isang backhoe operator matapos itong mabagsakan ng malaking bato habang nasa quarry site sa Tuy, Batangas.

Ayon sa report, kumakain ng tanghalian ang lalaki sa kanyang backhoe nang bumagsak ang malaking bato.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na ang insidente ay posibleng dulot ng paghina ng lupa kung saan nakapatong ang malaking bato.

Pinag-uusapan na ng pamilya ng biktima at may-ari ng quarry site ang kinakailangang tulong sa pagkasawi ng biktima. RNT/JGC

Previous articleMas mahigpit na polisiya ipatutupad kasunod ng isyu sa Chocolate Hills resort
Next articleReadership sa mga Pinoy patuloy na bumababa – survey