Home ENTERTAINMENT Kath, sandamakmak ang projects; Endorsement deal ni DJ, nag-atrasan?

Kath, sandamakmak ang projects; Endorsement deal ni DJ, nag-atrasan?

Manila, Philippines – Tila ramdam na ng kasiyowbisan ang unti-unting pagkalaos ng actor na si Daniel Padilla after nilang maghiwalay ni Kathryn Bernardo.

Ayon sa aming Kapamilya source, maraming naka-line-up na movie at TV projects for Kathryn, of course without Daniel, her ex.

Pinaplantsa na raw ng Star Cinema ang isang movie project kung saa’y makakasama nito ang ultimate hunk na si Piolo Pascual. Matatandaang sa huling panayam ni Piolo, si Kathryn ang unang actress sa kanyang bucket list na gusto niyang makasama sa isang project.

Hindi pa matukoy kung ang nasabing project ay sa film o isa itong entry ng Star Cinema sa 50th MMFF sa darating na December 2024.

Kuwento pa ng isang online program, halos lahat ng mga nakalinyang endorsement dati for Daniel ay nag-kansela o nag-atrasan. Nega raw kasi ang image ngayon ni Daniel.

Papunta na kaya sa pagiging “purdoy” ang dati’y sikat na aktor?

Samantala, kamakailan lang, sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, ay napag-usapan nila kung bakit ibinebenta ni Karla Estrada ang kanilang bahay sa Q.C for P50M.

Ayon kay Ogie na base sa kanyang nalalaman ay gusto umano ng actress na lumipat ng bagong lugar, somewhere sa south.

Dinepensahan din ni Ogie si Karla laban sa mga basher na nilagyan ng malisya ang pagbebenta nila ng kanilang mga ari-arian. Ador Saluta

Previous articleSolidarity armband vs PI sa Cha-cha, ipinamahagi sa Senado
Next articleActing ni Belle, pang-best actress!