Home ENTERTAINMENT Kathniel, sighted sa burol ni Ronaldo!

Kathniel, sighted sa burol ni Ronaldo!

Manila, Philippines – From ABS-CBN Christmas special at the Araneta Coliseum to Asian Artist Awards to Ronaldo Valdez’s wake.

In a matter of days, sa mga nabanggit na okasyong ito muling nakitang magkasama ang dating magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Habang sinusulat ito, nakalagak ang cremated remains ng beteranong aktor sa Garden Suite ng Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe, Makati City.

Kapwa naroon ang former sweethearts of 11 years.

Hindi nga lang tiyak kung sino kina Kathryn at Daniel ang naunang dumating.

Kathryn came in all-white while naka-all black naman si Daniel.

May mga separate pictures din ang dating loveteam kasama si Jamela Santos, ang business manager ng nasirang aktor.

It was Jamela who flexed her photos with Ronaldo over dinner dalawang araw bago nasawi ang aktor.

Halata ring malapit si Jamela sa mga anak ni Ronaldo na sina Janno at Melissa Gibbs as they had their photos taken at the wake.

Unlike the two previous occasions they were together, Kathryn and Daniel were apparently their real selves.

Walang nakaakbay na Daniel, no holding hands, no such kilig moments their fans should be giddy about.

Immediately after news about Ronaldo’s death came out, may pa-tribute si Kathryn sa veteran actor.

Naging bahagi kasi ng cast ng 2 Good 2 Be True si Ronaldo who played Lolo Sir.

Madamdamin ngang post ni Kathryn patungkol sa aktor: “You’re the lolo I never had.”

Bukod sa KathNiel, early mourners sighted at the wake were Gelli de Belen, Anjo Yllana at Almira Muhlach. Ronnie Carrasco III

Previous articlePro-China trolls na pinopondohan ng China, kasabwat sa destab plan vs PH gov’t – solon
Next articleSMNI aapela sa MTRCB sa sinuspindeng mga programa