Home TOP STORIES KathRyee nagsampa ng cyberlibel sa kapwa influencer

KathRyee nagsampa ng cyberlibel sa kapwa influencer

MANILA, Philippines – PORMAL na sinampahan ng kasong “cyber libel” ng kilalang social media couple at businessman ang kapwa nila social media influencer upang mapanagot sa mga paninirang puri at mga kasinungalingan na ibinato nito sa magkasintahan.

Hawak nina legal counsel Atty. Hussein Dimaampao at social media personality couple na sina Kath Melendez at Ryan Armenta na kilala rin bilang KathRyee ang kasong isinampa ng cyber libel case at unjust vexation laban sa vlogger na si Aira Jane Barredo na kilala rin bilang Ayang sa social media sa isang press conference sa Ermita, Manila. (Crismon Heramis)

Ito ang ibinahagi ng magkasintahang sina Ryan Armenta at Kath Melendez o mas kilala bilang KathRyee sa ginanap na press conference sa Ermita, Maynila, kasabay sa ginawa nitong paglulunsad sa bago nilang produktong Nekothione food supplement na gawang Japan na kanilang inilalako gamit ang social media platforms.

Ayon sa KathRyee, kasong cyber libel at unjust vexation ang isinampa nila sa San Fernando Pampanga Prosecutor’s Office laban kay Aira Jane Barredo na mas kilala bilang Ayang nito lamang nakaraang Huwebes.

Ang pagsasampa ng kaso ng KathRyee ay upang tuldukan na umano ang mga paninirang puri na ginagawa ni Ayang at para papanagutin ito sa mga kasinungalingan na ipinapahayag nito social media laban sa kanila.

“Hindi na po makatarungan yung ginagawa ng taong ito sa social media dahil sa mga paratang niya na walang katotohanan. Walang katotohanan ang mga paratang niya sa amin kaya pinili namin manahimik sa loob ng anim na buwan. Pero yung paratangan po kami na may utang kaming milyon milyon at kung ano ano pang mga kasinungalingan na kinakalat nya, hindi na po namin ito mapapalagpas,” saad ni Melendez.

“Nag-nenegosyo kami ng tahimik at marangal at wala kaming kailangan itago sa mga tao kaya handa naming patunayan na nagsasabi kami ng totoo, hindi lang sa mata ng mga tao kundi sa batas at korte handa kaming magpaka totoo”, dagdag pa ng KathRyee.

Minabuti na raw nilang magsampa ng kaso upang sagutin ang mga maling paratang sa kanila sa korte at protektahan ang kanilang reputasyon at negosyo.

Anila, mabigat man daw sa kanilang kalooban ang paghahabla sa dating kaibigan ngunit ito lamang umano ang kanilang nakikitang paraan upang turuan ito ng leksyon.

“Hindi rin para patulan sya at gumawa pa ng issue. Gusto namin na idaan sa tama ang lahat dahil kung propesyonal kang tao hindi ka magkakalat ng kung ano anong kasiraan sa social media para lang i-drag ang pangalan ng isang tao o negosyo,” ayon sa KathRyee.

Umaasa din umano ang KathRyee na sa hakbang nilang ito ay magbibigay ng linaw sa publiko na kahit kailan man ay hindi nila niloko ang sinuman upang magtagumpay ang kanila negosyo at marating ang estado nila sa buhay.

“Gusto namin iparating sa publiko at gusto namin malaman ng buong Pilipinas na malinis ang aming konsensya. Hindi sagot ang manira sa social media. Kung inagrabyado ka, kung ginawan ka ng masama, idaan mo sa legal na paraan. Ang mundo ay puno ng mabubuting tao pero meron pa ring sisirain ka dahil umaangat ka”, dagdag pa nila.

Sa huli nagpapasalamat ang KathRyee sa publiko sa patuloy na suporta at panalangin para sa kanila. JAY Reyes

Previous articleNursing grad sa Dr. Yanga’s Colleges nanguna sa board exam
Next articleKakai, mas bet ang pera kesa sa lalaki!