Home ENTERTAINMENT Kathryn, inisnab ang bday celeb ni Karla!

Kathryn, inisnab ang bday celeb ni Karla!

Manila, Philippines – Ipinagdiwang ni Karla Estrada ang kanyang 49th birthday nitong

November 22.

Ginanap ito sa kanilang tahanan sa Quezon City.

Present were Karla’s celebrity friends tulad nina Ruffa Gutierrez, Marjorie Barretto, Joy Ortega at Sunshine Cruz.

Siyempre, kumpleto ang pamilya ng TV host.

Nakunan pa nga ng video na magkayakap ang mag-inang Karla at Daniel Padilla.

Daniel arrived with his Star Magic manager.

Nirepost ni Karla sa kanyang Instagram Stories ang ilang heartwarming photos ng kanyang pamilya.

May kuha rin kasi si Daniel who got flanked by his younger siblings.

Ang ipinagtataka lang ng mga netizens ay kung bakit conspicuously absent ang nobya ni

Daniel na si Kathryn Bernardo.

Nagtatanungan tuloy ang mga ito kung naroon nga raw ba sa selebrason pero hindi na nakasama sa video na in-upload ni Karla.

As expected, the netizens raised intriguing questions begging for answers.

Pero nananatiling tikom ang bibig ni Karla.

Sa halip ay mababasa sa kanyang social media posts ang ilang Bible verses.

Lalo tuloy nabuo sa isipan ng mga netizens that there exists a relationship issue between Kathryn and Daniel.

Imposible naman kasing hindi siputin ng aktres ang pagdiriwang ng kaarawan ng ina ng nobyo niya.

Maliban na lang kung may prior commitment si Kathryn na hindi maaaring ipagpaliban. Ronnie Carrasco III

Previous articlePaolo, nagpaliwanag sa pag-ship kay Arra!
Next articleNahuhuling lumalabag sa EDSA bus lane kumonti sa taas-parusa