Home ENTERTAINMENT Kathryn, inokray ng fans ni Liza!

Kathryn, inokray ng fans ni Liza!

Seoul, South Korea – And the Outstanding Asian Star in the 2023 Seoul International Drama Awards is…Kathryn Bernardo from the Philippines!

Very recently nga’y ipinagbunyi ng ating mga kababayan ang karangalang ipinagkaloob kay

Kathryn sa larangan ng pagganap.

Kathryn clinched the said award for her performance in ABS-CBN’s 2 Good 2 Be True.

Problem is, not all Pinoy fans seem to be rejoicing in her victory.

Partikular na rito ang mga tagasuporta ni Liza Soberano.

Specifically, nilait ng mga supporters ni Liza ang pagbabasa ni Kathryn ng kodigo in her acceptance speech on stage.

Bumaha sa X (dating Twitter) ang pang-aalipusta kay Kathryn.

Ayon sa ilang Liza supporters, ngayon lang daw sila nakakita ng sang awardee na binabasa ang speech mula sa cellphone.

Bukod sa napa-“OMG!” ang ilan ay sinabihan pa si Kathryn ng: “Walang utak ‘yan, eh!”

Obyus na hindi sanay ang mga manlalait na ‘yon na naging kalakaran na sa mga awarding ceremonies ang makita sa entablado ang isa o higit pang winner na nagbabasa ng talumpati ng kanyang pasasalamat sa cellphone.

Depensa naman ng mga maka-Kathryn, kawalan na raw ba ng utak na maituturing ang ginawa ng aktres gayong she needed to read her speech to avoid committing mistakes?

Bakit daw kailangang pagkumparahin ang dalawang aktres, samantalang no competition exists between them anymore?

Si Kathryn daw ay may career dito sa bansa while Liza chose to establish her career in Hollywood.

Giit pa ng mga tagapagtanggol ni

Kathryn, had Liza opted to stay here ay posibleng pinarangalan din siya.

But as it is now, sabi nga ni Cristy Fermin sa kanyang radio program: “Kinabog na naman ni Kathryn si Liza!” Ronnie Carrasco III

Previous articleCristy, binalaan ang mga nananakot kay Lala!
Next articleBayani, ginastusan ng P300K ang buhok!