Home ENTERTAINMENT Kathryn, kumanta ng Taylor song, kinonek kay Daniel!

Kathryn, kumanta ng Taylor song, kinonek kay Daniel!

Melbourne, Australia – Nang manood si Kathryn Bernardo sa concert ni Taylor Swift na Eras Tour, na ginanap sa Melbourne Australia, ay feel na feel niya ang pagsabay ng kanta sa hit song ng multi-awarded singer na We Are Never Ever Getting Back Together. Na ang pagsabay na ‘yun ng pagkanta ni Kathryn kay Taylor ay kinunan ng kanyang  bestfriend na si Arrise de Santos, na pinost nito sa kanyang Instagram Stories at nag-viral.

Sabi ng mga netizens, patama sa ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla ang viral video nito.

Ang paniniwala nila, si Daniel ang iniisip ni Kath habang sing-to-death sa concert ni Taylor. Na parang sinasabi nito na gaya ng title ng kanta ay never na silang magkakabalikan pa ng dating minamahal.

Ang viral video ni Kathryn ay pinusuan ng kanyang solid fans.

Narito ang lyrics ng chorus ng We Are Never Ever Getting Back Together: “We are never, ever, ever getting back together.

“We are never, ever, ever getting back together.

“You go talk to your friends, talk to my friends, talk to me.

“But we are never, ever, ever, ever getting back together.

“Like, ever.”

Narito ang ilang comment ng netizens sa viral video ni Kath habang kinakanta nito ang We Are Never Ever Getting Back Togehter.

“Patama talaga kay Daniel Padilla, never ever ever getting back together, kaya huwag na huwag ka nang makipagtambalan doon. Kung sabagay, nakasaad naman sa contract mo. Ayan wala nang nagko-control sa saya mo.”

Sabi naman ng isa pa, “Kathryn singing her lungs out in We Are Never Getting Back Together is so  mother of her! Tama behavior. Go girl!”

Comment pa ng isang netizen, “Kathryn Bernardo jamming to We Are Never Ever Getting Back Together is everything!!!!!!!!!! Never ever again daw.” Rommel Placente

Previous article6 taong termino ng Pangulo sapat na – Digong
Next articlePresyo ng produktong petrolyo tatapyasan sa Martes