Home ENTERTAINMENT Kathryn, magtatagal sa Australia!

Kathryn, magtatagal sa Australia!

Manila, Philippines – In all likelihood, mukhang matatagalan pa raw ang pag-uwi sa bansa ni Kathryn Bernardo.

Ito ang pinaksa ni Cristy Fermin sa kanyang programa kamakailan lang.

Ibinatay ni Cristy ang kanyang ulat sa napakaraming maletang bitbit ng aktres nang tumungo sa Australia.

Ito’y para personal na masaksihan ang Eras Tour ng singer-songwriter na si Taylor Swift.

Matatandaang nag-viral sa social media ang pagsabay pa ni Kathryn sa awiting We Are Never Ever Getting Back Together.

Ipinapalagay na patungkol ‘yon sa dating nobyong si Daniel Padilla on her stand na malabo siyang makipagbalikan dito.

On Kathryn’s leaving for the Land Down Under with too many luggage, sinabi ni Cristy na malamang ay naroon din si Kathryn para sa isang endorsement.

Posible rin daw tuhugin na nito ang paggawa ng TV commercial.

“Sa dami ba naman ng dala-dala niyang maleta, ano ‘yon, minu-minuto ba siyang magpapalit ng damit?” makatotohanang katwiran ni Cristy.

Kung hindi man trabaho ang ipinunta pa ni Kathryn sa Australia ay maigi na raw ‘yon for her to move on.

Hindi man daw kasi 100% maiwawaglit ng aktres ang nakaraan nila ni Daniel, at least, a change of environment will help.

“Deserve ni Kathryn ‘yon kung gusto niyang i-extend ang stay niya sa Australia,” dagdag pa ni Cristy.

Kaiba naman ito sa napaulat tungkol kay Daniel kamakailan.

Shortly after their breakup kasi’y nabalitang nais na lang daw manirahan o mag-migrate ng aktor sa Amerika.

Kung tama ang aming timeline, this was before Daniel renewed his contract with Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Feeling daw kasi noon ni Daniel, dahil matik nang buwag na ang KathNiel tandem ay wala na siyang puwang pa na manatili sa network.

Besides, balita ring apektado ang mga endorsements ni Daniel as an aftermath of their breakup.

Matatandaang January 30 nang ikumpirma nina Karhryn at Daniel na split na sila. Ronnie Carrasco III

Previous articleBacklog ng LTO sa driver’s license 3M; plaka 12.5M
Next articleMANIBELA: Jade Castro, kasamahan palayain