Home ENTERTAINMENT Kathryn, nagpa-orange ng hair; Sarah, nagpa-ash brown, hiwalay na rin?

Kathryn, nagpa-orange ng hair; Sarah, nagpa-ash brown, hiwalay na rin?

Manila, Philippines- Madali lang daw kumilatis ng isang babaeng kakakalas lang mula sa isang relasyon.

She changes her hairstyle.

Isang malinaw na halimbawa ay si Kathryn Bernardo, now single and available.

Sa kanyang post sa Instagram, flinex ng A Very Good Girl star ang kanyang transformation.

She now sports an orange hair.

Nilakipan niya ito ng caption na: “I hope Santa still recognizes me with orange hair.”

Kulay lang naman ang nabago sa aktres as she still maintains cascading curls in her hair.

Matatandaang ginulat ni Kathryn nitong November 30 ang buong social media with her confirmation na break na sila ng nobyong si Daniel Padilla.

She and Daniel were a couple sa loob ng labing-isang taon.

Ilang sandali pa ng mismong araw na ‘yon ay nagpost din si Daniel, however still professing his undying love for Kathryn.

Ikinalungkot ng kanilang mga KathNiel fans, supporters, fellow colleagues, netizens here and abroad ang kanilang paghihiwalay.

Matagal nang umiikot sa social media ang kanilang breakup until Kathryn’s and Daniel’s admission.

Samantala, kahit hiwalay na, the couple agreed to attend one of the biggest events of ABS-CBN.

Separately, lumikha rin ng ingay ang maikli at ash brown-colored hair ni Sarah Lahbati.

Natsitsismis din kasing tagilid ang relasyon nila ni Richard Gutierrez. Ronnie Carrasco III

Previous articleSMNI hosts Celiz, Badoy posibleng mag-Pasko sa detention
Next articleCanada nangako ng pondo sa climate projects ng Pinas ‘gang 2026- Malakanyang