Home ENTERTAINMENT Kathryn, ni-like ang post ni Gelli sa pag-aasawa!

Kathryn, ni-like ang post ni Gelli sa pag-aasawa!

Manila, Philippines – Isa pala sa mga followers ni Gelli de Belen sa Instagram ay si Kathryn Bernardo.

Ni-like kasi ng mas batang aktres ang post ni Gelli tungkol sa marriage.

As everybody knows, Gelli is blessed to have been married to singer-actor Ariel Rivera.

No doubt, theirs is an enduring marriage rarely found in showbiz.

Post ni Gelli na nagsisilbing tip na rin para sa mga naghahangad ng matagumpay na pagsasama: “Pray for a marriage that makes the kids say, ‘Wow, daddy loves mommy’!”

Dalawa ang supling nina Ariel at Gelli who are both based in Canada.

Dinugtungan pa ito ni Gelli ng: “I guess I prayed hard enough!”

Napansin nga ng mga IG followers ang pag-like ni Kathryn.

Ang resulta: na-deflect tuloy sa mag-asawang Gelli at Ariel ang topic sa comment section at si Kathryn na nag-like lang ang mas bumida.

Ayon sa isang nag-comment sa like ni Kathryn: “Pinatagal lang nang 11 years ang relasyon n’yo, pero makakahanap ka rin ng talagang para sa ‘yo!”

Siyempre, ang tinutukoy ng naturang commenter ay ang 11 years ng pagiging magkasintahan nina Karhryn at Daniel Padilla.

Ayun, lumabas tuloy na “extra” lang sa kuwento si Gelli, gayong dapat ay bumida ito as she’s promoting a movie with her long-time celebrity friends.

At least, may kinapulutang tip si Kathryn which she can put to good use. Ronnie Carrasco III

Previous articlePapa P, ipinalit kay Ian sa mahal ng TF!
Next articleGehlee Dangca, Elisia Parmisano pasok sa 8-member K-pop group na UNIS