Manila, Philippines – Tiyak na pag-uusapan ang total transformation ni Kathryn Bernardo sa trailer pa lang ng aabangan niyang pelikula.
In the film A Very Good Girl, Kathryn isn’t exactly playing a goody-goody character.
Regarded as a total departure from her previous roles sa mga teleserye’t pelikula, tiyak na maninibago–kundi man magugulat–ang kanyang mga fans sa papel ng aktres.
Kathryn essays the role of an empowered woman whose peg ay isang sosyalerang fashion maven.
Tiyak na sa trailer pa lang ay ikinagulat na ng kanyang mga tagahanga na makita siyang wagas kung magmura, nanlilisik ang mga mata at sumisigaw.
Kung matatandaan, recently ay naging isyu ang sighting kay Kathryn na nagbe-vape.
Kuha ‘yon while on break sa set ng A Very Good Girl while she was sitting on the ground floor of a building in Alabang, Muntinlupa City.
Inakala tuloy ng maraming netizens na sa totoong buhay ay nagyoyosi ang aktres.
Pero ‘yun pala’y bahagi ‘yon ng demands ng kanyang role.
Isa nga si Cristy Fermin sa dumepensa kay Kathryn by saying that the actress is a non-smoker in real life.
Ang totoo’y social drinker si Kathryn na nang minsang ma-tipsy ay aligaga sa paghahanap ng kanyang nawawalang bag at a gathering.
In her latest movie nga, wari’y sinasabi ni Kathryn na goodbye na siya sa mga pa-tweetums roles.
After all, at her age she’s way past that stage.
It’s about time Kathryn welcomed her change of image.
Dapat ay open-minded ang mga fans ni Kathryn sa pagbabagong ito ng kanilang idolo. Ronnie Carrasco III