Home ENTERTAINMENT Kathryn, target ni Cedric!

Kathryn, target ni Cedric!

Manila, Philippines- Biglang-bigla’y nasa kamalayan na natin ang pangalang Cedric Juan.

At ito’y dahil sa kanyang pagkakasungkit ng Best Actor award sa nakaraang Gabi ng Parangal sa 49th MMFF.

Cedric–who is Paul Cedric Gutierrez Juan in real life–won for his portrayal as Jose Burgos in Gomburza.

Tinanghal ding second Best Picture ang pelikulang dinirek ni Pepe Diokno.

Overwhelmed nga ang aktor who has been in the acting business for 10 years.

A graduate of mass communication from the Far Eastern University, kinabog lang naman ni Cedric sina Christopher de Leon, Dingdong Dantes, Alden Richards at Derek Ramsay.

Nilinaw ni Cedric na hindi porke’t nagbida na siya’t nagwagi pa’y goodbye na to supporting roles.

Naniniwala siya na there are no small roles, only actors.

With this career milestone, natural lang na meron siyang bucket list.

Target daw niyang makasama sa susunod na film project si Kathryn Bernardo.

Napahanga raw kasi siya ng aktres sa A Very Good Girl.

Ayaw munang i-reveal ni Cedric ang seryeng gagawin niya.

May in the can din siyang movie titled Gitarista na wala pang playdate

No doubt, ang noo’y “the who?” na si Cedric stirred public interest.

If this is to be used as basis, posibleng dumugin ang mga susunod pa niyang pelikula. Ronnie Carrasco III

Previous articleApo ni Jose Rizal, pinuri ang Gomburza!
Next articleDeadline sa franchise consolidation, ‘di na palalawigin