MANILA, Philippines- Bubuksan ang zipper lane sa northbound direction ng Katipunan Avenue sa Quezon City simula September 21, 2023 para sa two-week dry run.
Madaraanan ang zipper lane mula alas-6:30 hanggang alas-8 ng umaga tuwing weekdays maliban sa holidays.
Pwedeng pumasok ang mga motoristang northbound sa zipper lane mula sa center island sa Gate 2 ng Ateneo de Manila University.
Ang exit ng zipper lane ay sa interseksyon sa harap ng Gate 3 ng Ateneo.
Subalit, hindi makaliliko sa kanan ang mga motorista mula sa zipper lane para makapasok sa Gate 3 ng Ateneo.
Sinabi ng Quezon City local government unit at ng Metropolitan Manila Development Authority na bubuksan ang zipper lane upang magamit ang espasyo sa southbound lane ng Katipunan Avenue. RNT/SA