Home HOME BANNER STORY Katiting na oil price rollback posible sa Martes

Katiting na oil price rollback posible sa Martes

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng karampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes.

Ang anunsyo ay matapos ang pagkakaroon ng isang buong buwang pagtaas sa presyo noong Mayo.

Sa ulat, magkakaroon ng P0.25 hanggang P0.50 kada litrong bawas ang diesel.

Samantala, bababa ng P0.50 hanggang P0.70 kada litro ang presyo ng gasolina at kerosene.

Ang mga kakulangan sa reserbang langis noong nakaraang buwan ay nagdulot ng pagtaas sa mga presyo ng petrolyo, na pagkatapos ay tumakbo ng hanggang P55 kada litro dahil sa patuloy na tunggalian sa pagitan ng Ukraine at Russia. RNT

Previous articleChinese national arestado sa pekeng produkto
Next articleTeves: P8M alok kada suspek para bumaligtad, kathang-isip ni Boying